ABRA Diwata

Posted on

Welcome to musicforlittlelearners Lyrics ABRA Diwata Lyrics, singer by ABRA

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
‘Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagama’t pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagka’t
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata

Naaalala ko pa n’ung una ka masilayan, nanghihinayang
Gustung-gusto kita kausapin,
Makilala, subalit may kaba
Kaya nahihiya lang

Sinayang, ang nakatakdang tadhana
Karapat-dapat ba na magkandarapa
Sa isang prinsesa na may delikadesa
Kesa sa gano’n baka sakaling game ka maging reyna

Date tayo, oo, ikaw at ako
Liparin natin ang iba’t-ibang parte ng mundo
Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay
Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay

Kung sabagay, karangalan kong alagaan
At pahalagahan ang natural mong kagandahan
Aminin ko man o hindi
Kapag nasa paligid ay pasimple na nangingiti
Sana kako tamaan

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
‘Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagama’t pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagka’t
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata

Hanggang sa nagkakilala muli
At unti-unti nakikilala, munti
Pang tumitiklop na parang makahiya
Naglakas loob ah, d’yan sa kaliwa
Ang daming pumipila, daig pa’ng MRT
Pero diba’t sa pag-ibig mas kabit ‘pag less than three
Anong sagot, p’ede mo ‘kong tanungin
May tanong ako sa’yo, p’ede mo bang sagutin
Sana oo na lang din
Susubukang abutin
Panaginip lang kita, kaya susubuking antukin
Oras na maghawak kamay baka bigla kang alukin
Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin

Ikaw ang aking laging nais na makapiling
Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling
Binibining napakaganda at wagas
Walang wakas, samahan mo ko, sabay tayong mangarap nang mataas

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
‘Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

[Chito Miranda:]
N’ung nakita ko s’ya, ‘di makapaniwala
Sa taglay n’yang ganda, tinamaan din ako
Teka bakit ganito, ba’t napaparap ako
‘Di ba sabi ko sa’yo, ‘wag mo na akong isama
Para ‘kong nasilaw sa kasama mong diwata

Ngayon alam ko na kung ba’t nasisiraan ka nang ulo
Napapakanta ka na lang na parang ganito

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
‘Pagka’t ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, ‘di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagama’t pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagka’t
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata

<br><br>

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s